Patay ka na ba?

SA WAKAS! Pagkatapos ng isang taon at syam na bwan! Naalala ko rin ang password ko. Hahah. Pasensya na kung natagalan, alam ko yung iba hindi na nakakain, hindi nakatulog, umiyak gabi-gabi, at ang masakit pa dun, nakamove on na.. kakahintay saken, hehe. Pero ganon pa man, ako sana’y inyo pa ring pahintulutang magblog. Dumadating kase ako sa point na sa sobrang busy at dami ng ginagawa (weh?), kahit na may matira akong time para magblog, nawawala naman ako sa mood. Alam mo yung feeling na ganon? (Wag ka na magpaliwanag tomboy!). Anyway!! Kung ayaw mo maniwala saken…….. maniwala ka nalang! Wala naman kase akong nasabihan na mawawala ako ng ganon katagal. Wala naman kase sa plano ko yun! *kumidlat ng malakas*

At sa mga nag-isip, HINDI PA KO NAMAMATAY! Hindi ako kasama dun sa 600+ sa Ondoy! At lalo naman sa 200k sa Haiti!

So ano nga ba ang mga nangyari saken habang ako ay wala? Marami talaga, lalo na sa paborito mong tapik na “pag-ibig.” Dumaan din ako sa mga matitinding pagsubok… gaya ng pagkain ng bagong saing na kanin na walang ihipan, walang tinginan sa bedscene ng isang palabas na todo pa ang volume at, ang pinakamatindi, magblog sa wordpress gamit ang Tagalog na interface! PUTEK!!! Nabuburyo ang utak ko sa mga “hudyat,” “paskil,” “bansag,” “patnugot,” at kung ano ano pa! Para kong nagbabasa ng Florante at Laura. Mag-isip ka ng malalim na tagalog, nandito lahat. Buti nalang at nakita ko kung saan ko babaguhin yung language bago pa mawala ulit ako sa mood. Hindi naman sa sosyal ako at ayaw ko ng Tagalog kaya lang hindi talaga siya kyut. Naliligaw lang ako lage. :(

At ako lang ba ang hindi nagblog ng matagal? Ang dami na nga namin! Uso na nga nagququit sa blog scene eh. Malamang yung iba kase nainis na rin sa tagalized WordPress na daig pa ang tagalog dictionary sa paghahasa ng bokabularyo mo sa tagalog. Pwede ring naging busy gaya ko (busyhin mo muka mo!) o talagang idol lang ako at sinabayan na ko mawala.

Ano’t ano pa man, ako’y maligayang nakapag log in muli. Try kong maglog in ulit next time ha? HAHA.

Isang Tugon to “Patay ka na ba?”

  1. ngayon lang ako nakabalik dito may bago ka palang post ay nung febuary pa pala un. hehehe keep it up super tomboy!. . .

    ang hirap nga naman umintindi ng tagalog- pag sobrang lalim na.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.