Hoy tomboy, sino ka ba?

Alam ko guys gusto niyo talaga akong makilala. Pataas taas pa kilay mo dyan, wag mo na ideny. Kaya magquequestion and answer ako this time, dame kaseng snail mails na natanggap ko lately eh. Hindi ko gagawin toh dahil ako’y tinatamad lang or naiinggit ako sa ibang blogs na gumagawa nito, talagang naiinspire lang ako sa dami ng fans ko all over the world.

  • Kelan at paano mo nasabing “tomboy” ka?
    Nasabi ko lang yan nung magbinata este magdalaga ako sa college. Puro girls pa kase nakakasama ko nung high school kaya hindi pa ko boyish. Nung magcollege ako eh nahilig ako sa online games, marami akong naging kabarkadang lalake, unti-unting nagiging mala Inday garutay ang boses ko at marami pang achoochoo. Pero hilig ko pa rin ang mga lalake, straight na straight pa rin. Huwaaaaat? Tomboy ka pero straight ka? Opo, ganon na nga. Actually type na type ko ngayon si David Cook (oo siya na naman, wala ng bukang bibig ang tao puro siya nalang).
  • Gaano ka kadalas manood ng porno at bakit ka nanonood nito, ha? Bad ka ah!
    Hindi naman ganoon kadalas kesa sayo. Hehe. Dahil babae ako, madalang lang, siguro nakakatwice a minute month, lalo na pagmalapit na akong magkaroon. Kung bakit ako nanonood eh dahil sa reason mo rin kung bat ka nanonood. Masarap din kaseng imaginin yung boypren ko at ako. Kesa naman magsex kami ngayong nag-aaral kame diba, pigil2x muna. Hanggang imagine muna, heheh. Oo bad na, sige bad na. Heheh. Heheh. Heheh. Heheh pa.
  • Sa tingin mo, maganda ka ba?
    Oo.
  • Bakit ka ba galit na galit sa Meralco?
    Dahil hindi sila nagpaprofit ng may honor. Napsed.
  • Ano ba ang masasabi mo about sa premarital sex?
    Ahh.. hmmm.. kasi ano eh.. ahmm.. hindi ko pa nasusubukan yan eh (kinidlatan).. pero sa tingin ko may advantage and disadvantage siya. Advantage niya eh maraming natututunan ang mga tao gaya ng mga iba’t ibang modern style, nalalaman na ng babae paano magmeasure ng tiyak na nakakatulong din sa pag-aaral lalo na kung engineering siya, at marami pang nkakatulong naman talaga sa pagdagdag ng populasyon ng Pinas. Disadvantages naman, marami ngang style na nalalaman kaya lang prone kang dumami na ikababawas naman ng income mo at may tendency pang palayasin ka sa bahay. Kaya kahit iyan lang halos ang disadvantage, ambigat naman. Siguro kung maiiwasan, iwasan nalang. Kung hindi na kayang iwasan, magparami nalang ng pera para may pampadede kung sakali.
  • What is love?
    Love is like mystery, it’s full of rosaries. Heheh. Ang totoo hindi naman ako guru o love doctor o ano pa man pero base sa mga naoobserbahan ko, ang pagmamahal ay more on mental than emotional. Kung baga kaya kayo nagmamahalan dahil may napapala kayo sa isa’t isa, hindi puro sakripisyo lang. Kung puro sakripisyo ang isang tao sa love, puro emotional ang pinapagana niya at nagkakahirapan lang, at natatapos din agad ang relasyon. Kung papaganahin ang utak, madidiscover na ang love ay more to be bed of roses rather than thorns of them. Love doesn’t mean sacrificing for someone without receiving anything in return. Give and take yan, ika nga. Kaya payong kaibigan lang, wag magmahal ng isang taong hindi kayo ginagantihan ng ganun din na pagmamahal ;) That’s not being selfish, that’s what being in love’s for.
  • Madaldal ka rin ba sa personal?
    Salungat sa sabi ng iba na pagmahaba ka raw magsulat eh tahimik ka lang daw, eh hindi nga ako ganon. Kung paano ko magsulat, ganun din ako makipagusap.. utal2x nga lang sa English.
  • Crush kita dati pa eh! Paano ba ako makakapagtanong sayo?
    Ayoko nga! Mga dalawang pilit pa. Heheh. Pede mo akong i-email sa supertomboy@yours.com o kaya eh iteks sa cellfone. Bilisan mo lang kase first come, first served. Marami pa akong phone-in questions na naghihintay.

14 Tugon to “Hoy tomboy, sino ka ba?”

  1. HUWAT?!?!?! Masama pala ang manuod ng porn? Di naman itinuro saken yun nung nursery ah! Di siya kasama sa seven deadly sins diba?

    Ok lang yun. hahaha. walang masama dun

    ((sabay bura ng history sa browser))

    LOL

    ako may pahabol tanong.

    bakit bilog ang mundo? bakit maalat ang dagat? kung stockholder ka ba ng Meralco, eh magagalit ka pa din sa kanila? Kung Patrick The StarFish ang title ng Spongebob Squarepants, uunlad ba ang Pilipinas? At ang katanungang matagal ng bumabagabag sakin…

    Bat walang shorts si Winnie the Pooh?

    kahit nakakaistorbo, sige sasagutin ko muna mga questions mo. *bura ng history sa browser* …… ang dami pala ng tanong mo, sige neks tayms nalang yan ha, pero sagutin ko na kung bakit walang shorts si Winnie the Pooh. actually, si winnie the pooh na ang isa sa pinakaconservative sa mga dabarkads niya. baket? nag t-shirt pa siya eh, lahat halos nakahubo na. dapat nga itratong porno rin tong palabas na toh eh. heheh. pero sa tingin ko, sa akin lang ha, kaya wala siyang shorts eh wala siyang bayag. rayt??!!

  2. thanks for the comment.

    tandaan mo lang na pag nagsesearch ng porn ay wag kalimutang mag-delete ng history LOL :-) )

    Meralco. Nabuhay ang mga tao noon ng walang Meralco. Bakit hindi tayo?

    *pumapalakpak at tumutungo sabay tayo at sigaw ng “bravo!”* dinedelete ko tlaga.. kaya nga pag may gagamit na susunod, nagtataka baket wala na daw address na bumababa. sabi ko nalang, ganon tlaga ang firefox, feature yun na hindi matatanggal. heheh.

  3. pareng kaboyish!

    wahahaha. nanonood ka rin ng porn. wapak. ako, hindi kasi eh. pero yaong mga hentai baka pwede pa. wapak. pero hindi ko pa talaga natry manood ng mga ganun eh. honest ako. amf.

    madaldal ako kapag kilala ko mga kausap ko at mga kaclose ko. Pero pag hindi ko kayo knowings, panis talaga laway ko. ahaha!!!

    tagal mo rin di nagpost ah! amf! so tagal!

    pare! (yan na ba ang tawagin natin? baka maging lalake tayo ng tuluyan niyan, haha) nanonood din ako ng hentai, kaya lang parang d makatotohanan kadalasan. tsaka d naman ganon kalaki boobs ko, di ako makarelate *umiiling*. ewan ko ba sa mga hapon hindi naman kase malalaki boobs nila kaya pinapasa nalang sa cartoons eh. sa hentai rin nagsimula ang lahat pare, nako. heheh.
    natry ko na ring maging madaldal sa hindi ko knowings, kaya lang parang okward. kaya sa mga kakilala ko lang din. di ako makapagpost agad kase tamad ako kadalasan talaga. pag may trip akong sabihin, ayon, post ako uli.

  4. kengkay Sabi ni:

    bakit ako tomboy din yung heyskul, dahil kasi panay gels din kami e. pero ngayon bading na ako, hehehe

    oo ganon nga raw yun. balistad naman saken. ako bading nung hs, ngayon ganap na tomboy na!

  5. lyingwithclotheson Sabi ni:

    oi! greenpinoy reader ka din?? hehehe.. isa ko sa mga minions ni greenpinoy.. sali ka sa forums namen.. gusto mo sama ka,meron kaming get together tomorrow..

    sayang short notice.. pero sana pwede ka pa rin sumama, sa makati lang namen e :p

    marami ding tomboy dun at bakla, at lalake at babae. heheh.. ayan, e yun according sa description mo. heheh :D

  6. Hmm..masayang magpakatotoo. Ung walang tinatago.Ung tanggap mo kung ano ka…db po?

  7. napadaan lang po at naintriga sa pangalan mo. meron pa sana akong nagbabagang mga tanong sayo: may bato ka rin bang nilulunok para maging supertomboy o naghuhubad ka na lang sa mga sulok-sulok kasi soot mo na ang costume mo? anu-ano ang mga mababangis na powers ni supertomboy at may sidekick din ba sya? sino ang kalabang mortal ni supertomboy? may kahinaan ba si supertomboy bukod kay david cook? bakit ang kulit ko at ang daming tanong eh di mo naman ako kilala? kasi… gusto ko sanang mag-imbita ng exchange link kung ok lang. hehehe… God bless!

  8. hala. wala ng update? wer na u? dito na me!

  9. ano ba ibig sa bihin ng lol??
    paano ba mag erase ng history , madalas kasi ako mag bukas ng porn site, nakikita ng ate ko

  10. ooopss, wala pang sagot. tingnan ko ulit next month.

  11. nakaka-aliw ka magsulat,, sana ma-update mo lagi tong blog mo… looking forward to know you better. pranka and totoo. mabuhay ka…

  12. merry krismas! ^_^ salamat sa pakikipagkwentuhan… nawa’y pagpalain tayong lahat ni Batman, este ni Papa Jesus.

    hanggang sa muling pagbubungguan!

    ~Ang May-aKDa…

    wala pa din update?

  13. ay naku! bat wala na update dito!

    happy new year na nga lang!

  14. ano ba yan puro kalukohan sa na magpakatino na kayo hehehe

Mag-iwan ng Tugon