Ikalawa – Meralco

Dahil sa pagsikat ng aking unang post (akala mo siya lang may wordpress account), ginanahan akong magsulat muli. Naiisip ko na nga lang kung kelangan ko pang lagyan ng mga una, ikalawa, etc. yung title eh, parang nakakangawit rin, kaya sa susunod, aalisin ko na yan. Hindi ko lang talaga mapigilan sarili kong isulat yung Ikalawa, ang cute eh =P.

Anyhaw, ipuputok ko lang (ay bastos) ang aking inis sa mga gahaman sa pera. Nakakainis talaga, kung sino pa mayaman sa mundo, siya pang ayaw magbigay. Ewan ko kung against din kayo sa mga Lopez, pero ako kase, SOBRA. Puputukan ko na talaga sila! Hindi ko maisip baket kelangang mapikon netong si Ka-Oscar. Napikon siya sa isang interview about nga dun sa paglipat sa gobyerno ng Meralco. Yung interview naman ng ABS-CBN, napaka one-sided. Patuloy nilang sinasabing hindi raw ibibigay ng Lopez ang Meralco sa gobyerno hanggat hindi raw nakikitang kaya na nitong humawak ng pribadong kumpanya. Naisip ko naman, nahawakan nga ng gobyerno buong Pilipinas, Meralco pa kaya. Although corrupt ang government (lahat naman ata corrupt), baket hindi muna ipatry? Lageng sa Napocor pa ang turo. Sa Napocor ba nagbabayad ang tao? Kung pwede nga lang umistraight sa Napocor diba? Pero hindi, kelangan pang tubuan ng Meralco. Naalala ko pa, yung kaibigan ng mama ko, siningil ng 11k ng Meralco dahil ginalaw daw nila yung puntador nila. Todo deny siyempre sila, sino bang aamin dun. Ngayon, bwan bwan nilang hinuhulugan yun ng 2k additional pa sa bill nila. May similar issue, 30k naman. Ang akin naman, ano sense kung ginalaw yung puntador at kelangan nilang maningil? Buti sana kung hindi na gumana, pero gumagana naman. Ganyan ata talaga, kung sino pang mayaman, siya pang gahaman (oooyy.. rhyme).

Naalala ko yung kaklase ko, vinerse ako bigla sa Bible ng “Do not judge for you will be judged…” nung maggroup send ako na mamatay na sana yung may-ari ng Meralco, Maynilad at Bayantel. Vinerse ko din nga siya, “Do you not know that the saints will judge the world? And if you are to judge the world, are you not competent to judge trivial cases?” Akala niya siya lang marunong sa Bible (hindi ko piniga nanay ko para bigyan ako ng verse, promise). Ang nakakatawa lang, nilagyan niya pa na hindi raw simpleng ABAKADA ang sistema ng Lopez. Isip-isip ko naman, bat di siya mag-Japan? Ang dami niyang alam eh. Or better yet, mag-apply siyang lawyer ng mga Lopez? Nag-OJT na ba siya sa Meralco para malaman niyang napakahonest ng sistema neto? I’m judging based sa nakikita ko, hindi sa walang kapararakan lang (kung may nakakaalam po, ano po yung kapararakan?). Minsan talaga may mga nagmamarunong at nangengelam pa. Kung galit ako sa Lopez, wala na sanang pakialamanan. Hindi naman sila madadamay sa galit ko, exclusive sa Lopez lang yun. Ngayon kung si Jennifer Lopez ka, excluded ka pa rin, pero malabo namang maintindihan mo to.

Pakipindot po for more interesting Meralco readings: link, link, link, link, link at link

7 Tugon to “Ikalawa – Meralco”

  1. sobrang taas pa maningil ng meralco. .(as if ako ang nag babayad ng mercalco bills namin) kanina galing ako sa meralco para mag bayad. . . wala akong ibang narinig sa mga taong naka pila kundi sa mga hinaing nila sa taas ng kuryente at sa hirap ng buhay. . nakaka sikip ng damdamin. . . .

    ako naman sobrang inis. . . haba ng pila!

    oo hirap talaga. huhuhuhu. huhuhuhuhuh. isa pang huhuhuhuhu. sana talaga may himalang mangyari at bumaba ang bills. alam mo mas masama, jumper lang kame.

  2. oo alam nating mataas ang meralco.. pero di lang sila ang dapat sisihin kung hindi ang gobyerno na nagmamayari ng NAPOCOR at Independent ek ek.. basta yun.. pero ito ay sagot na seryoso. ANG PUnto talaga eh.. “bumaba man ang kuryente, si gloria pandak padin.. ” hehe.. nice post!

    http://www.superjen.vze.com
    http://www.walongbote.co.nr

    salamat po. anyhow, oo sadyang masama naman talaga si gloria… kelan ba naging mabait sa paningin natin yun? actually, kung babalikan natin ang history ng pilipinas simula pa kay aguinaldo, may kasamaan lahat ng naging presidente ultimo si magsaysay na dinadakila rin eh tuta naman daw kano, gaya ni gloria. kaya minsan, nakakatamad na ring ibaling sa mga presidente… lalo na kay gloria, 10-0 na siya eh.. kahit si superstar witness Lozada hindi mapaalis eh.. kaya sana, itry nalang sana mag-adjust ng tao.. lalo na ng MERALCO! gusto nila tanggalin ng gobyerno ang tax pero ayaw naman nilang makinig dito. bakit ba ganun? (hindi ako galit pramis). tapos napag-alaman pang yung building ng meralco eh sa customer binabaling ang billing? (try niyo manood ng balita sa qtv) hindi nila dineny un ha. parang blog na yung reply ko heheh.. salamat po sa comment ms. jen ;)

  3. why are we paying sooooo much for MERALCO. . . bwiset.
    nakaka inis kayong mga jumper. . .hhehe kayo e noh.
    . . may nakasabay pa ako magbayad 91 pesos lang bill niya sarap naman ng buhay nun. . . wala siguro siyang appliances ..
    .telepono lang saka wall clock nasa bahay niya . . .

    samantalang kame 3,800 binayaran ko.. . well hindi saking galing yung pera pero talagang ang taas. few months back nasa 2500 lang bill namen.

    hahah! P91? hindi pa ginawang P90? hahah.. siguro may isa silang electric fan na number 1 lang at hindi umiikot..
    laki tlaga ng tinaas.. mahirap para satin kase pag inis na parents natin, satin buntong galit.. =(

  4. haay, sa pagkatagal tagal nito, ngayon lang ‘to pinaputok.

    regarding corruption, hindi na talaga mawawala ‘yan. sa economics, merong sustainable level of corruption. pede tong bawasan pero hindi kailanman pedeng alisin

    oo, talaga namang may corruption kahit saan. si gloria meron, meralco meron and so on. pero ika nga rin sa economics, “one should profit with honor.” kung nilalamangan mo na consumer mo (gaya ng meralco na pinasasagot pala sa consumer ang billing ng building nila), sobrang mali na yun. salamat sa comment ha. ;)

  5. kaya hindi umuunlad ang Pilipinas e. tsktsktsk.

    nako, hindi na yata uunlad pilipinas.. hahah.. kakanta na nga lang ako ng magic sing, baka sakaling makatulong sa tourism. salamat sa comment ha!

  6. [...] Super Tomboy to the Rescue! Typical Life Exposed. « Ikalawa - Meralco [...]

  7. I just got this news from my son that they just received a letter from meralco asking them to pay 59,950.50 dahil nagcomplaint sila nung April dahil from 4K na average consumption nila naging almost 10K so nagulat sila dahil ok, given na summer at mainit at medyo lumakas ang gamit ng aircon pero they don’t think it was right, so ang ginawa ng meralco, kinuha daw ang metro at iimbestigahan daw , and they were assured na pag may mali s metro irefund ang bayad nila dahil ayaw nilang maputulan ng kuryente syempre walang choice kungdi magbayad dahil di daw pwedeng di bayaran muna at puputulan sila at hintayin na alng daw ang report, aba, sila na nagcomplaint about the bill at sobrang taas, sila pa ngayon ang nakareceive ng demand letter na magnanakaw daw sila ng kuryente. Baka matawa sila ilan ang tao sa bahay namin, 2 anak ko na halos wala lagi sa bahay, isang bedridden na auntie na di naman nakaaircon ang room at isa lang ang aircon sa bahay, ni electric fan nga ayaw nun. As in gigil na gigil ako kase ang mga anak ko todo pasa na nga sa kanila anuman ang bill na dumating pero di naman kame tanga para palabasin na Jolibee ang bahay namin and we can consume that amount. Andito ako sa ibang bansa nagpapakahirap magtrabaho tapos parang papel lang sunugin ng Meralco pinaghihirapan ko para sa mga anak ko. Buhay pa Tita ko bedridden nga lang papatayin na nila dahil sa kalokohan nila, kumukulo talaga ang dugo ko and I just want to share this incident sa kakahanap ko ng mahihingan ng tulong sa sitwasyon ng mga anak ko.

Mag-iwan ng Tugon