Hoy tomboy, sino ka ba?

Posted in Ramblings Lang with tags on May 24, 2008 by supertomboy

Alam ko guys gusto niyo talaga akong makilala. Pataas taas pa kilay mo dyan, wag mo na ideny. Kaya magquequestion and answer ako this time, dame kaseng snail mails na natanggap ko lately eh. Hindi ko gagawin toh dahil ako’y tinatamad lang or naiinggit ako sa ibang blogs na gumagawa nito, talagang naiinspire lang ako sa dami ng fans ko all over the world. Continue for the Q&A

Ikalawa - Meralco

Posted in Buhay Filipina, Ramblings Lang with tags , on May 12, 2008 by supertomboy

Dahil sa pagsikat ng aking unang post (akala mo siya lang may wordpress account), ginanahan akong magsulat muli. Naiisip ko na nga lang kung kelangan ko pang lagyan ng mga una, ikalawa, etc. yung title eh, parang nakakangawit rin, kaya sa susunod, aalisin ko na yan. Hindi ko lang talaga mapigilan sarili kong isulat yung Ikalawa, ang cute eh =P.

Anyhaw, ipuputok ko lang (ay bastos) ang aking inis sa mga gahaman sa pera. Nakakainis talaga, kung sino pa mayaman sa mundo, siya pang ayaw magbigay. Basahin mo pa dali!

Unang Post - Introduction

Posted in Ramblings Lang with tags , on May 8, 2008 by supertomboy

Grabe, parang dati lang wala akong kaalam alam sa computer, ngayon ang dami ko ng nagagawa. Nung bata lang ako tuwang tuwa nako sa tyahin kong may PC, ngayon ako na may hawak neto (ng PC)! Ang dami ko na ngang alam, mula sa pagcocompose ng e-mail hanggang sa pagbablog, hanggang sa pagsusurf sa mga porno sites, pwedeng pwede na kong guru. Minsan nga naiisip ko na lang, siguro ang hilig magpunta sa mga porno sites ng tiyahin ko nun. Pero hindi rin, wala pang porno ata sa net nun eh. Pero pinipilit niya sigurong maghanap nun.

Super Tomboy. Baket nga ba SUPER TOMBOY? Sa Pinas, madalas na napagiinterchange ang TOMBOY at ang LESBIAN. Basahin mo pa please.